Ibalik

Ito na, oras at panahon na iyong hiniling. Sana ikaw ay makarating pabalik sa akin piling.

Ito na yung oras na makakapag-isip ka na at ako. Na sana marealize mo lahat na mahal mo talaga ako. Na sana di mo ko iniwan. Na sana nagawa mo pa rin akong irespeto.

Mahal, nakalimutan ko na kung paano irespeto yung sarili ko. Naging desperado akong magkabalikan tayo. Kinain ko lahat ng natitirang pride. Kahit na nagmukha akong baliw at tanga.

Di ako napagod, di ako sumuko. Magpapahinga lang ako.

Di kita kakalimutan, kailangan ko lang ibalik yung respeto. Yung pagmamahal ko sa sarili ko. Di ko namalayan kinakalimutan ko na yung pagkatao ko para lang mapasaya ka, maibalik ka.

Sana magkrus ang ating mga landas at muli tayong ibalik sa isa’t isa. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako umibig ng ganito. Na kahit ano hahamakin ko.

Love is not anger, it is not selfish and does not cause pain. Love is kind, understanding and patient.

Gusto kong bumalik sa panahon una tayong nagkita, kung saan nagsisintas ka ng sapatos. Na baka sakaling maitama ko lahat ng pagkakamali, na maitama natin lahat ng ating pagkukulang.

Mahal na mahal kita. Di ako magsasawang sabihin ito. Na kung ulit ay papipiliing maging tayo, ang tanging isasagot ko ay oo.

Advertisements

Panaginip

Gusto ko lang i-share yung napanaginipan ko. Sobrang depressing niya para sa akin kasi yung mahal ko yung involve at akala ko ayos na ang lahat. Akala ko bumalik na ang lahat sa dati.

  Nagkita tayo sa isang kanto, malungkot ang iyong mga mata. Nagchat ka sa akin na anong problema kahit magkatabi na tayo. Nagtalo tayo, nagkaayos.

 Hinawakan mo ang aking kamay at sinabing “sasama ako sa’yo” pauwi sa bahay natin. Humiga ka sa kama at hinalikan mo ako sa aking mga labi. Sinabi ko, “sandali lang kukunin ko lang ang doughnut”. Pagbalik ko wala ka na. Pagising ko panaginip lang pala.