Gusto

‚ÄčHi mahal,


Miss na miss na kita. Gusto na kita mayakap. Gusto na kita mahalikan. Gusto na kita makatabi. Gusto ko na makita ulit yung ngiti mo. Gusto ko na ulit marinig yung tawa mo. Gusto na ulit kita pasanin kapag pupunta ka sa banyo. Gusto ko na ulit pagsilbihan yung mahal ko. Gusto ko na ulit ipagluto ka ng paborito mo. Gusto ko na ulit mayakap kapag busy ako sa kusina. 
Gusto ko na kita makasama ulit manood ng sine. Gusto ko na ulit hawakan ang mga kamay mo. Gusto ko na ulit makita ang mga mata mo. Gusto ko na ulit na pareho tayo ng mga pangarap. Gusto ko na ulit na binubuo natin yung mga plano natin. Gusto ko na ulit bumalik ka.

Gusto ko na ulit na nagaaway tayo, pero pagtapos noon ay nagkakabati pa rin tayo.

Gusto ko minsan na nagagalit ka sa akin kasi alam kong may pakialam ka sa akin.

Gusto ko maging masaya ka lagi.

Gusto kong bumalik sa nakaraan para paulit ulit kong maramdaman na nandito ka.


Gusto ko na mahalin mo na ako ulit gaya ng dati.

Ibalik

Ito na, oras at panahon na iyong hiniling. Sana ikaw ay makarating pabalik sa akin piling.

Ito na yung oras na makakapag-isip ka na at ako. Na sana marealize mo lahat na mahal mo talaga ako. Na sana di mo ko iniwan. Na sana nagawa mo pa rin akong irespeto.

Mahal, nakalimutan ko na kung paano irespeto yung sarili ko. Naging desperado akong magkabalikan tayo. Kinain ko lahat ng natitirang pride. Kahit na nagmukha akong baliw at tanga.

Di ako napagod, di ako sumuko. Magpapahinga lang ako.

Di kita kakalimutan, kailangan ko lang ibalik yung respeto. Yung pagmamahal ko sa sarili ko. Di ko namalayan kinakalimutan ko na yung pagkatao ko para lang mapasaya ka, maibalik ka.

Sana magkrus ang ating mga landas at muli tayong ibalik sa isa’t isa. Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako umibig ng ganito. Na kahit ano hahamakin ko.

Love is not anger, it is not selfish and does not cause pain. Love is kind, understanding and patient.

Gusto kong bumalik sa panahon una tayong nagkita, kung saan nagsisintas ka ng sapatos. Na baka sakaling maitama ko lahat ng pagkakamali, na maitama natin lahat ng ating pagkukulang.

Mahal na mahal kita. Di ako magsasawang sabihin ito. Na kung ulit ay papipiliing maging tayo, ang tanging isasagot ko ay oo.